Deviant Login Shop  Join deviantART for FREE Take the Tour
×

:iconphilipmayi: More from Philipmayi


More from deviantART



Details

Submitted on
May 11, 2010
File Size
3.4 KB
Link
Thumb

Stats

Views
5,271 (4 today)
Favourites
0
Comments
0
Downloads
20
×
Alamat ng Ahas

Introduction:

  Mabukid at madamo ang probinsya namin. Malayo kami sa sibilisasyon. Hindi tulad sa Manila, sariwa ang hangin dito at mababait ang mga tao. Namumuhay ng matiwasay ang mga tao, hayop, halaman at mga insekto rito. Marami ring     mababangis na hayop dito. Tulad ng mga ahas. Pero hindi sila nananakit ng mga tao dito. Dahil ito sa tagapag-ingat ng mutya. Ano yung mutya? May isang alamat dito sa amin, pag nakakita ka raw ng dalawang dambuhalang ahas na nag-aaway,
wag kang matakot at panuorin mo sila ng patago. Pagkatapos may isang   mananalong ahas, parang naglalaban sila kung sino ang mamumuno. At dahil   'friendly game' ito, gagamutin ng nanalong ahas ang sugatan. Aalis ang ahas at magdadala ng halamang gamot. Kunin mo ito. Pag balik nya may dala syang isa pang halamang gamot at magtataka ito kung bakit nawala ang halamang gamot
na kinuha mo. Iiwan nya ulet yung halamang gamot tapos maghahanap ulet ito. Kunin mo ulet at uulet ng uulet ang pangyayaring ito. Parang maiinis ang ahas at aalis at pag balik nya may dala syang bilog na kasing kinis ng perlas at kasing laki ng bilog na makikita sa mga lumang mouse ng mga computer. Ito ang natatagong sekreto ng ahas, ang mutya na nagsisimbolo kung sino ang namumuno sa mga ahas at may kapangyarihang magpagaling ng mga ito. Iiwan nya ito at maghahanap ulit ng mga halamang gamot. Ngayon, kunin mo ito at umalis ka na. Wag mo itong itatago at lagi mo syang dalhin. Pero hindi automatically na mauutusan mo agad sila. Hahanapin ng ahas ang mutya at mahahanap ka nya. Maghahanap sya ng tyempo na kung kelan sya pupunta sa iyo- kapag mag-isa ka na lang. Pupunta ito sa harapan mo. Itago mo ang mutya na dala mo kung saan hindi makikita ng ahas. 'Wag mo ito itago sa bulsa dahil agad itong makikita. Karamihan sinusubo nila ito. Pupuluputan ka ng ahas. Wag kang magpapahalata na
takot ka at wag mo syang pigilan dahil agad ka nyang tutklawin. Naaamoy niya ang mutya na nasa iyo. Hahanapin nya ito sa buo mong katawan. Ngayon pag hindi nya nahanap ito sayo, aalis na sya sa katawan mo. Iluwa mo ang mutya at ipakita dun sa ahas. Matapos nun, lahat ng nasasakupan ng ahas na iyon ay susunod sayo.

Chapter 0: Panimula.

  Ako sin Ben. Ang pamilya namin dito ay mga magsasaka. Simple lang ang buhay namin dito pero masaya. Madalas akong kumuha ng mga buko malapit sa baybaying dagat. Umakyat ako sa puno nito at kumuha ng isang buko. Hinati ko ito gamit ang sibat ko. Agad akong umalis papuntang bukid para manghuli ng mga insekto na paborito kong paglaruan. Habang naglalakad ako may narinig akong tunog ng ahas. Agad akong nagtago sa likod ng malaking puno. Agad akong
sumilip at nakakita ako ng dalawang dambuhalang ahas na naglalaban tulad sa alamat. At ginawa ko ang mga nakasaad sa alamat. Totoo ngang may mutya! Inuwi ko ito sa bahay. Tiningnan ko ito at namangha. Pero alam kong pwede na dito na magwakas ang buhay ko. Alam kong pwede akong mamatay dahil dito. Gusto ko lang naman malaman kung totoo ang alamat, at nung nalaman ko, pwede palang ang buhay ko ang kapalit sa mga nalaman ko.

  Wait lang! Bibitinin ko muna kayo dahil tinatamad ang ating butihing author, kita-kits na lang sa Chapter 1!
Subaybayan natin si Ben na nakakuha ng mutya ng ahas, kaso lang mabibitin kayo dahil medyo tinatamad akong magsulat, so intropalang 'yan sorry. Ang istoryang ito ay hango sa isang alamat sa probinsya namin. Next time na lang!
No comments have been added yet.

Add a Comment: